Friday, August 22, 2008

..la lang..just want to sharre this..

Balimbing?!
Sa isang barberya….
Barbero 1: “Ang hirap talagang maging pulitiko?! ‘Pag nakagawa ka ng mali, susme…lahat banat! ‘Pag gumawa ka naman ng tama, sabi ng mga kritiko…asus sipsip ‘yan! Mali pa rin?!”
Barbero 2: “Tama ka diyan! Kaya nga tinanggihan ko ‘yung alok nila noon sa akin na tumakbo sa eleksyon eh! Ayoko ‘yung binabatikos ka…Ayoko ‘yung binabanatan ka! Alam mo ’yun? Ang hirap sungkitin ang tiwala ng tao sa’yo?!”
Barbero 1: “Oo…katulad na lang ang batikos ngayon kay Bise Mayor Marlon Wayne Manuel! Alam niyo ba kung ano ang latest ngayon sa ating mahal na Bise Mayor?!”
Barbero 2: “Ano ‘yun?!”
Barbero 1: “Alam niyo bang tinawag siya ng mga kritiko niya na ‘BALIMBING’?! Alam niyo ba ang balimbing? ‘Yun bang, nasa kabila siya pero umaklas at sumama sa kabila?! ‘Yun ang balimbing! Bumaliktad kumbaga! Gets niyo?!”
Biglang sawat si Barbero 3.
Barbero 3: “At bakit naman tinawag siyang balimbing?! Ano bang nagawa ni Bise?! At saka ano ba kasi siya? I mean ang grupo niya?!”
Barbero 1: “Ganito kasi ‘yun! ‘Di ba pumunta sa Hawaii si Mayor Michael Fariñas! Siyempre, kay Bise Mayor Manuel ipinagkatiwala ang pamamahala sa city government!”
Barbero 3: “Tapos?!”
Barbero 1: “Ayun…at saka alam niyo kasi nung bumiyahe na si Mayor Michael, hiningi ni Acting Mayor Marlon na ipagdasal natin si Mayor Michael na sana ay matiwasay ang kaniyang paglalakbay at wala sanang anumang maasamang mangyari sa kaniya! Hayun!”
Barbero 3: “Namputsa! ‘Dun na pumutok ang butse ng mga detractors niya?! Tinawag na siyang balimbing?! Napakababaw naman ng pag-iisip kung sinuman ang umaakusa kay Bise na balimbing?! Tingnan mo… ano kaya ang masama kung hilingin mong ipagdasal ang kaligtasan ng isang tao?!”
Barbero 1: “Oo nga, pare! Pero, teka! Ang isyu dito ay ‘yung balimbing! Kung bakit naging balimbing si Apo Manuel?!”
Barbero 2: “’Yun nga eh! ‘Di ba, hindi mo talaga maitatago na may ‘gap’ nga ang ilan sa ating mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod kay Mayor MVF. Kasama na si Bise doon…..dahil nga sa iba’t-ibang isyung pampulitika. Pero ngayon nga….na nag-iiba daw ang ihip ng hangin..kesyo, tiwalang-tiwala na ngayon si Mayor Fariñas kay Vice Mayor Manuel at “oks na oks” na nga ang kanilang pag-uusap para sa mga mithiin nila para sa Laoag…ayun, naburyong na yata ang kaniyang mga kasamahan at tinawag na siyang balimbing! Ha ha!”
Barbero 1: “Ganun ba? Ang babaw naman nila?! Eh…ano ngayon kung gaun na nag?! Takot ba silang mawalan ng kasama?! Akala ko ba magagaling sila?! Ginagampanan ng tao ang kaniyang responsiblidad tapos, babatikusin mo ng walang kabuluhan?!”
Barbero 2: “Tsk…tsk! Wala na talagang maisip ang mga kritiko kung hindi ‘yung humanap ng “butas” ano?! Sabi nga sa kanta, maliit na butas, lumalaki. Konting gusot dumadami…Ang hirap talagang ‘makapudno’ sa mga tao!”
Barbero 1: “Buti na lang, kampante si Bise Mayor Manuel! Sabi niya, sige lang tirahin niyo ako. Kahit sinasabi niyo sa mga tao na wala na akong makukuhang boto sa susunod na eleksyon, tingnan natin! Basta, ako, ginagampanan ko ang aking tungkulin! Basta ako, ginagawa ko ang aking responsibilidad sa mga tao!”
Barbero 3: “He he! Sabi nga ni Apo Bise, ‘Awan ti makapudno nga agpadaya!’
Barbero 2: “Siguro naramdaman na rin ni Bise ngayon kung gaano kahirap maging mayor! Alam niyo, may mga buntong-hininga na rin si Apo Manuel sa kaniyang mga kasama sa SP eh! Alam niya ang nangyayari! At ramdam niya ang hirap!”
Barbero 3: “Tsk…tsk! Ngayon, naranasan niya ang maging Mayor, naranasan din kaya niya ang nararanasan ni Mayor Michael?!”
Barbero 1: “Palagay ko, pare?! Kasi mga litanya pa lang niya ay pinupuna na! Tawagin ka ba namang ‘balimbing’? Wala na talagang silang magawa kundi tumira! Hindi na nila alintana kung ano ang maganda o masamang maidudulot nito sa tao!”
Barbero 3: “O, baka ngayon tirahin na naman nila si Konsehal John Cabarrubias?! ‘Di ba may balitang lumabas na tila ‘nagising’ na rin yata siya sa katotohanan?!”
Barbero 2: “Ganun ba? Magandang balita ‘yan! At least, unti-unti silang natatauhan! Siguro, nararamdaman na rin ni Apo Caba ang pangangailangan ng mga tao na bumoto sa kaniya…na nagbigaysa kaniya ng tiwala para manilbihan sa kanila!”
Barbero 1: “Korek ka diyan! At least alam niya ang kaniyang ginagawa! Alam nila ni Apo Bise ang tama para sa atin! Hindi ‘yung aakayin ka sa madilim na lugar, wala ka man lang masilip na liwanag?!”
Barbero 3: “Buti na lang, matalas ang mata at pandinig ni Apo Bise at ni Apo Caba! Nakasilip sila ng liwanag….dun na sila dumaan dahil ang liwanag, yun talaga ang magbibigay-ningning sa buhay! Tawagin ka mang balimbing…basta ang mahalaga hindi ka babaliktad kung anuman ang sinumpaan mong pangako sa mga tao!”
…at tumangu-tango ang tatlong barbero!

4 comments:

Memoirs of a Booger said...

vote kulangot for president....ay vote wisely pala...

La Bonitas said...

hahahaha..yeah right,,,o yan ha bka sabihin mu tinarayan na naman kita,,bka memo-han mu ako..

La Bonitas said...

wahahahahaha

Jhamy whoops! said...

haba ng post mo infairness.. hehehe!!